--Ads--

CAUAYAN CITY – Lima ang nasugatan kabilang ang apat na guro matapos na masangkot sa aksidente ang kanilang sasakyan sa Tarinsing, Cordon, Isabela.

Ang  mga nasugatan ay ang driver na si Samson Silaran, 47-anyos, may-asawa, at residente  ng Cordon, Isabela.

Nasugatan din ang mga pasaherong guro na sina Aileen Antonio, 32-anyos, may-asawa, residente ng Nueva Vizcaya, Reina Duran, 26-anyos, residente ng San Juan, Cordon, Isabela, Gringo Guman, 27-anyos at at Jay Balligui, 38-anyos, kapwa residente ng Quirino, Cordon, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Fernando Malillin, hepe ng Cordon Poice Station na binabagtas ng sasakyan ang Northbound patungong Santiago City nang nagkaroon ng mechanical error   dahilan para mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber.

--Ads--

Bumangga ang sasakyan sa konkretong traffic barrier sa gilid ng highway  sanhi para bumaliktad.

Nagtamo ng minor multiple injuries sa katawan ang mga biktima.

Agad tumugon ang mga kasapi Cordon Rescue Team at dinala sa pagamutan ang mga biktima.

Nagpaalala ang hepe ng pulisya sa mga tsuper ng sasakyan na ugaliing suriin ang kanilang mga sasakyan bago ibiyahe at maging maingat at disiplinado sa pagmamaneho.

Tinig ni PMaj. Fernando Malillin.