
CAUAYAN CITY – Naglaan ang pamahalaang panlalawigan ng 50 million pesos na ayuda para sa iba’t ibang sektor upang matulungan sila sa kanilang kabuhayan sa panahon ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Rodito Albano na nagsimula na ang pamahalaang panlalawigan na magsagawa ng survey at maglista ng mga bibigyan ng pautang tulad ng mga ambulant vendors, miyembro ng kooperatiba at Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).
Ayon kay Gov. Albano, imomonitor nila ang mga mabibigyan ng ayuda kung may pagbabago sa kanilang kabuhayan pagkatapos ng tatlong buwan para mabigyan ulit sila ng ayuda.
Sinabi ni Gov. Albano na tatapusin lang nila ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng TUPAD Program ng Department of Labor and Employment (DOLE) bago simula ang pamamahagi ng pautang sa mga kooperatiba, TODA at ambulant vendors tulad ng mga nagtitinda ng balot, itlog ng pugo at iba pa.










