--Ads--

Aabot sa 500 katao ang naospital dahil sa matinding diarrhea sa Yangon, Myanmar, kung saan 149 ang nagpositibo sa mabilisang pagsusuri para sa cholera.

Ayon kay Yangon Regional Social Affairs Minister Bo Htay, siyam sa mga pasyente ang pormal na nakumpirmang may Vibrio cholerae ng National Health Laboratory.

Nagsimula ang mga pagpapaospital noong Agosto 9, ngunit ngayon lamang kinumpirma ng mga awtoridad ang presensya ng cholera sa lungsod.

Ang cholera ay isang malubhang impeksiyon na dulot ng kontaminadong pagkain o tubig at maaaring ikamatay sa loob lamang ng ilang oras kapag hindi agad nagamot.

--Ads--

Patuloy namang nahaharap sa krisis ang health sector at imprastraktura ng Myanmar matapos ang mahigit limang taong civil war sa bansa.