Umabot na sa 51 ang bilang ng mga naaresto sa isinagawang kilos-protesta, ayon kay PNP Chief Gen. Melencio Nartatez Jr. ilang oras bago ang ika-limang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Nartatez, karamihan sa mga nadakip ay nahaharap sa mga paglabag na may kaugnayan sa pagsusuot ng balaclava masks at umano’y vandalism.
Ayon naman kay Quezon City Police District Director Brig. Gen. Randy Glenn Silvio, nahuli ang mga ito dahil sa umano’y vandalism sa isang bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Nangyari ang insidente habang nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng mga nagpoprotesta at anti-riot police matapos tangkain ng ilang demonstrador na makalapit sa Batasang Pambansa Complex, ang venue ng ikalimang SONA ng Pangulo.











