--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nakapagtala ang ikalawang rehiyon ng namatay dahil sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC), sinabi niya na ang namatay na COVID patient ay isang 58-anyos na lalaki, may asawa at residente ng Ugac Sur, Tuguegarao City.

Aniya, ito na ang pangatlong mortality sa lalawigan ng Cagayan at panglabindalawa naman sa Rehiyon Dos.

Ang pasyente ay naadmit sa CVMC noong ika-6 ng Setyembre dahil sa lagnat at ubo kaya siya ay napabilang sa suspected patient.

--Ads--

Agad siyang isinailalim sa swab test at positibo sa COVID-19.

Bukod naman sa lagnat at ubo ay mayroon pa siyang ibang Comorbidities dahil may history siya ng Acute Myocordial Infarction, Coronary Artery Disease, Acute Coronary Syndrome at hypertension.

Sa ngayon ay mayroon pang binabantayang 21 Confirmed COVID patient ang CVMC.

Sa naturang bilang ay 17 ang mula sa lalawigan ng Cagayan, 3 ang galing sa Isabela at 1 ang mula sa Kalinga.

Mayroon ding 8 suspected COVID Patient na kasalukuyang nakaadmit at naka isolate sa naturang ospital kung saan 3 ang mula sa lalawigan ng Cagayan at 5 ang galing sa Isabela.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggao.