--Ads--

Aabot sa 66 na kaso ng musculoskeletal injuries ang naitala medical team sa ginanap na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2026, kung saan walang naitalang malubhang kaso ngayong taon.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rydiant Joy Blessing Manuel Asuncion, Medical Officer III at Chairman ng Unified Medical Response Committee, sinabi nitong karamihan sa mga naitalang kaso ay kinabibilangan ng muscle sprain, muscle spasm, at muscle fatigue na karaniwang nararanasan sa mga kompetisyong pampalakasan.

‎Ayon kay Doc Asuncion, ang mga insidente ay naitala mula sa iba’t ibang playing venues kung saan regular na nagsusumite ng ulat ang bawat division na nakaatas sa pangangasiwa ng mga laro sa pamamagitan ng kanilang monitoring at reporting system.

‎Dagdag pa niya, 20 kaso ang kinailangang i-refer sa Southern Isabela Medical Center para sa karagdagang evaluation at management. Aniya, naging maayos at mabilis ang pagtugon ng ospital, lalo na’t may nakalaang lane para sa mga delegado ng palaro.

--Ads--

‎Mas mababa umano ang bilang ng mga naitalang kaso ngayong taon kumpara sa nakaraang CAVRAA Meet, kung saan may mga naitalang fracture o bali.

‎Bukod sa mga pinsala, may ilang kaso rin ng acute gastroenteritis na agad namang naagapan. Ipinaliwanag ni Doc Asuncion na bagamat hindi maiiwasan ang pagbili ng pagkain sa labas, tiniyak ng mga awtoridad ang kaligtasan ng pagkain sa loob ng billeting quarters sa tulong ng City Health Office at mga food safety officers.

‎Nakapagtala rin ng 15 kaso ng hypertension, partikular sa mga coach at technical officials, na iniuugnay sa matinding init ng panahon. Ayon sa opisyal, agad namang nabigyan ng kaukulang lunas at interbensyon ang mga ito