--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang batang lalake sa Magat River na bahagi ng Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya kahapon, Sabado de Gloria, matapos na malunod.

Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), nadiskubre ng isang concerned citizen ang pangyayari nang aksidenteng matapakan ang katawan ng bata sa ilog partikular sa quarry hole na puno ng tubig.

Ang biktima ay 9-anyos na Grade 4 student at residente ng San Pedro, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Agad namang naisagawa ang chest compressions at pagsalba sa buhay ng bata ng mga kasapi ng Bureau of Fire Protection (BFP) na rumesponde at dinala sa isang pribadong pagamutan sa Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya ngunit binawian din ng buhay.

--Ads--

Sa salaysay ng ama ng biktima, nagtungo sila sa nasabing ilog para mag-picnic.

Abala umano silang nag-iinuman at hindi napansin na nawawala na ang kanyang anak.