--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang labing walong taong gulang na estudyante at grade 10 student matapos malunod.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nalunod si Gomer Karl Balanon, 18-anyos, student at residente ng Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela makaraang maligo kasama ang kaniyang mga kamag-anak noong sa Abuan River na nasasakupan ng Brgy. Villa Imelda, City of Ilagan, Isabela.

Agad siyang dinala sa Isabela Doctors General Hospital ngunit idineklara ring dead on arrival.

Samantala, Patay ang 10-anyos na bata na si Alaine Vhincar Lizarte na residente ng Brgy Sipay, Lungsod ng Ilagan matapos malunod sa Pinacanauan River sa Brgy. Batong Labang, City of Ilagan, Isabela.

--Ads--

Naliligo umano ang biktima sa mababaw na bahagi ng ilog nang tangayin siya ng malakas na agos patungo sa mas malalim na bahagi nito.

Hindi umano marunong lumangoy ang biktima at naipit pa ang kanyang paa sa mga bato.

Dinala pa sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklara ring dead on arival.