--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinuri ng Election Officer ng San Mariano, Isabela ang Bombo Radyo Cauayan na nag-iisang media entity na nag-cover sa isinagawang special election sa Dicamay I, Jones, Isabela noong Lunes, May 20, 2019.

Si Election Officer Harold Benedict Peñaflor ang nagsilbing ang chairman ng Special Electoral Board (SEB) sa isinagawang special election sa Dicamay I na isa sa mga pinakamalayong barangay ng Jones.

Ang Dicamay I ay mahigit 28 kilometro ang layo sa town proper ng Jones at malaking bahagi ng daan na rough road at baku-bako ay nasa gilid ng bundok kaya mahirap ang biyahe bukod pa sa may presensiya ng mga rebelde sa nasabing liblib na lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Election Officer Peñaflor na sa kabila na napakalayo ang barangay Dicamay I at mahina ang signal ng telekomunikasyon ay nagawan ng paraan ng Bombo Radyo Cauayan sa pamamagitan ni Bombo Kervin Gammad para maihatid ang mga kaganapan sa special election.

--Ads--

Sa pamamagitan ng pagsabit sa kanyang cellphone sa gilid ng isang bahay malapit sa Community Center kung saan ginanap ang botohan ay nakakuha ng signal si Bombo Kervin para maiulat ang mga kaganapan sa botohan at live na na-interview ang mga opisyal ng Comelec na tumutok sa special election sa pangunguna ni Regional Director Julius Torres.

Samantala, hinangaan din Ginoong Peñaflor ang nag-iisang guro mula sa Department of Education (DepEd) na si Ginoong Michael Mangabo na pumayag na maging miyembro ng SEB.

Ang mga guro na naunang nagsilbi sa halalan sa nasabing barangay ay tumanggi nang maging miyembro ng SEB dahil sila ay natakot sa pagharang sa kanila ng mga armadong lalaki at pagsunog sa mga dala nilang VCM na dadalhin sana nila sa munisipyo ng Jones noong umaga ng ika-14 ng Mayo 2019.

Matatandaang ang pagsasagawa ng special election sa Dicamay I ay bunga ng pagsunog ng mga armadong lalaki sa bahagi ng VCM, SD Card at mahigit 200 balota na hindi pa nabasa mula sa nasabing barangay.

Ang SD card ng sinunog na VCM mula sa Dicamay II ay hindi kasamang nasunog kaya hindi na isinagawa ang special election sa nasabing barangay.

Ang tinig ni Election Officer Harold Peniaflor