--Ads--

CAUAYAN CITY –  Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 ( Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act)  ang isang barangay kagawad na walang habas na nagpaputok ng baril sa kanilang bahay sa Banquero, Reina Marcedes, Isabela.

Ang nagpaputok ng baril na tumakas matapos ang pangyayari ay si Barangay Kagawad Ferdinand Galapon,  50 anyos, may-asawa at residente Purok 3  Banquero, Reina Mercedes, Isabela.

Tumugon ang mga pulis sa pamumuno  ni PCapt Mario  Discipulo,  OIC Chief of Police ng Reina Mercedes Police Station sa natanggap na impormasyon mula sa kapitbahay ni Galapon hinggil sa kanyang pagpapaputok ng baril.

Nagdulot ito ng pagkaalarma ng kapitbahay ng barangay kagawad.

--Ads--

Sa naging panmayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Discipulo, sinabi niya na hindi nila nadatnan sa kanilang bahay si Barangay kagawad Galapon.

Nakausap nila ang kanyang misis na si  Janette  Galapon, 50 anyos at nahimok nila na isuko ang ginamit na baril ng kanyang mister.

Ang baril ay isang  9mm na may 8 bala at dalawang magazine.

Narecover ng mga pulis ang anim na  fired cartridge malapit sa kusina ng bahay ng pamilya.  

Ayon kay PCapt Discipulo, nakainom ng alak si Galapon nang magputok ng baril. Mayroon umano siyang problema na nagbunsod para magawa ang kanyang pagpapaputok ng baril.