--Ads--

CAUAYAN CITY– Namatay  ang isang magsasaka matapos umanong magbaril sa sarili sa loob ng isang videoke bar sa San Antonio North, Bambang,  Nueva Vizcaya.

Ang biktima ay si Roland Suelo, 23 anyos, may-asawa residente ng Buyasyas, Sta Fe,  Nueva Vizcaya.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSgt. Sherwin Pugayan, imbestigador ng Bambang Polce Station, kanyang sinabi na ang biktima ay umiinom ng alak kasama ang kanyang mga kaibigan subalit  nagtungo si Suelo sa Counters room ng videoke bar kung saan doon natutulog ang kanyang live-in partner.

Batay sa initial na pagsisiyasat ng pulisya na matapos umanong nakapasok sa naturang silid ay inilock pa umano ni Suelo ang pintuan nito at makalipas ng ilang minuto ay nakarinig sila ng putok ng baril na nagresulta upang magising umano ang live-in partner nito at dito na rin nakitang duguan si suelo  matapos umanong magbaril sa sarili partikular sa kanang sentido gamit ang Cal. 45 baril.

--Ads--

Agad isinugod si Suelo sa pagamutan subalit idineklarang  patay na.

Isasailalim sa parafin test si Suelo at sisiyasatin ang baril na ginamit umano sa pagpapakamatay nito.