--Ads--

CAUAYAN CITY – Ililibing na ng mga kasapi ng Alfonso Lista Police Station ang bangkay ng isang lalaki na natagpuan sa barangay San Juan, Alfonso Lista, Ifugao.

Ito ay kung sa loob ng  7  araw o isang linggo ay wala pang kukuha sa labi ng biktima.

Ipinabatid nila sa mga kalapit na bayan ang pagkakatagpo sa bangkay ng biktima subalit hanggang ngayon ay wala pang kumukuha habang nakalagak sa  isang punerarya sa nasabing bayan.

Magugunitang unang napaulat na ang bangkay ng lalaki ay nagtamo ng maraming saksak sa leeg, nasa 5’6”   hanggang  5’7” ang tangkad at  nakasuot ng puting T-shirt.

--Ads--

Naniniwala ang Alfonso Lista Police Station na itinapon lamang sa kanilang nasasakupan ang bangkay ng biktima.

Muling nanawagan ang pulisya sa mga nawawalan ng kamag-anak na makipag-ugnayan sa kanila upang makita ang bangkay na nakalagak ngayon sa isang punerarya sa bayan ng Alfonso Lista.