CAUAYAN CITY – Nagpalabas ng Executive Order ang gobernador na naglalayong ipatupad ang pansamantalang total ban na pagpasok ng mga buhay na baboy at pork byproducts sa Isabela.
Layunin nitong hindi makapasok sa lalawigan ang African Swine Fever at mapangalagaan ang mga backyard raisers.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Retired Police General Jimmy Rivera,pinuno ng task force oink-oink na sa ipinalabas na Executive Order number 46 ni Punong Lalawigan Rodito Albano ay layuning ipatupad pansamantala ang total ban ang pagpasok sa Isabela ng mga buhay na baboy at byproducts ng baboy tulad ng tocino, soriso, barbeque, liyempo na frozen at iba pa.
Ginawa anya ng gobernador ang nasabing hakbang makaraang may ulat ang binuong task force na infected na mga karne ng baboy na isinakay sa isang bus na galing sa Plaridel, Bulacan na infected sa ASF.
Inatasan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang pulisya na dagdagan ang mga itatayong checpoint na ilalagay sa mga bayan ng Roxas, San Mateo, San Agustin at Quezon, Isabela bukod pa sa mga nasa Cordon at San Pablo, Isabela.