--Ads--

CAUAYAN CITY – Libu-libong non-certified products na nasamsam sa mga nakaraang operasyon ng  Department of Trade and Industry (DTI) sa Isabela ang sinira kahapon sa Lunsod ng Ilagan.

Sa talaan ng DTI-Isabela ay umabot 3,466 na non-certified products ang nasamsam ng enforcement unit mula sa ilang bahay kalakal sa mga lunsod at bayan sa  Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Elmer Agorto, enforcement officer ng DTI Isabela, sinabi niya na  karamihan sa mga ito ang iba’t ibang brands ng mga lighter na aabot sa 1, 495, isang brand ng electrical tape na may kabuang bilang na 988, mga extension wire na umabot sa 383, apat na brand ng christmas lights na umabot sa 133 at iba pang mga non-certified products.

Sa kabuuan ay umabot sa higit 85,000 pesos  ang halaga ng mga produkto na manu-manong sinira ng DTI Isabela.

--Ads--

Isinakay ang mga ito sa garbage truck  at itinapon sa landfill sa Sta. Catalina, Lunsod ng Ilagan.

Bago sinira ang mga lighter ay inilubog muna sa tubig upang matiyak na hindi sasabog.

Ayon kay Ginoong Agorto, bago sinira ang mga nasamsam na produkto ay tiniyak nilang may paglabag sa batas ang mga establisiyimento na nagbebenta sa mga ito.

Tinig ni Ginoong Elmer Agortos ng DTI Isabela

Ilan sa kanilang  mga paglabag ay ang kawalan ng sertipikasyon mula sa DTI.