--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong  paglabag sa Republic Act  10591 (Comprehensive firearm and ammunition regulation Act)  ang isang lalaki matapos masamsam sa kanya ang isang Cal.  38 na baril sa Santiago City.

Sa impormasyong nakuha  ng Bombo Radyo Cauayan, ang suspek ay   si Aries Sagadraca, 26 anyos at residente ng  Raniag, Ramon, Isabela.

Nagsagawa ng  operation  bakal  ang City Mobile Force Company sa isang videoke bar malapit sa national road  ng Mabini, Santiago City

Sa loob ng nasabing establisyemento, nakumpiska  kay  Sagadraca ang Calibre 38 na baril na may tatlong  live ammunition na nakasukbit sa kanyang baywang.

--Ads--

Napag-alaman ng mga autoridad na hindi rehistrado ang naturang baril dahil wala umanong maipakitang Dokumento ang naturang akusado.

Iginigiit  umano ni Sagadraca na nadala lamang nito ang naturang baril  bilang  maging proteksyon.

Inaresto si Sagadraca at dinala sa Police Station 1 para sa Mas malalim pang imbestigasyo.

Nasa pangangalagaa  na  ng Santiago City Police Station ang suspek at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.