--Ads--
CAUAYAN CITY – Walang ginagawang paraan ang pamahalaan ng Tanzania upang mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay makaraang walang ipinatupad na lockdown sa nasabing bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Rufil Clamano, negosyante sa Tanzania na naging immune na lamang ang mga Tanzanian sa nasabing virus at kanya-kanya na lamang na pag-iingat ang ginagawa ng mga mamamayan.
Sinabi pa ni Gng. Clamano na marami na rin ang infected sa Tanzania at makikita na lamang na may bigla na lamang mamamatay sa gilid ng mga kalsada at natutumba na lamang ang mga sakay ng motorsiklo.
--Ads--
Ayon pa kay Gng. Clamano, pinupulot na lamang ang mga taong namamatay at kaagad na inililibing.











