--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ng pamahalaang lunsod ng Santiago ang 15 panibagong kaso ng COVID-19 na resulta ng malawakang contact tracing at mass testing.

Anim sa mga bagong kaso ang may edad na 4-17 habang pinakabata ang dalawang taong gulang na residente ng barangay Victory Norte at kinilalang si CV 4552.

Labing apat naman sa mga ito ang asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 habang ang isa ay may comorbidity na kinilalang si CV 4553, 67-anyos at residente ng barangay Victory Norte.

Patuloy ang contact tracing at malawakang swab testing ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga posibleng may pakikisalamuha sa mga bagong kaso sa lunsod.

--Ads--

Muling hiniling ng pamahalaang lunsod ng Santiago ang kooperasyon ng publiko para sa kaligtasan ng lahat.