--Ads--

CAUAYAN CITY – Sina dating pangulo Gloria Macapagal Arroyo ng at Majority floor Leader Martin Romualdez ang napipisil ng Lakas CMD bilang House Speaker sa susunod na balangkas ng kongreso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kinatawan Antonio Tonypet Albano ng unang distrito ng Isabela sinabi niya na bagamat napipisil nila sina dating pangulo Arroyo at Majority Floor Leader Romualdez ay nakabatay pa rin sa desisyon ng mayorya ang masusunod.

Inaasahan niya sa susunod na pangulo na hindi makakaapekto ang executive branch sa trabaho ng mga nasa Legislative branch ng pamahalaan dahil nakasaad sa kontitusiyon na patas o co-equal branches o sangay ng pamahalaaan ang Executive at Legislative branches.

Aniya kapansin-pansin na halos kaalyado ng pangulo ang kasalukuyang nangunguna sa congressional race at iisa nalang ang natitirang miyembro ng oposisyon sa katauhan ni Senador Risa Hontiveros.

--Ads--

Ang ang pagkakaluklok ng mga bagong pangalan sa house of representative na pawang mga kaalyado ng pangulo ay inaasahang magbubunga ng magandang resulta.

Ang bahagi ng pahayag ni Kinatawan Antonio Tonypet Albano.