--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpaalala ang Civil Service Commission Region 2 sa mga Examinees na kumukuha ng Online Application.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Nerissa Canguilan ng CSC Region 2, tiniyak niya na hindi ito ang huling pagbibigay ng Examination para sa Civil Service dahil sa ilang taon na pagkaantala ng mga pagsusulit.

Pinanindigan din ng CSC ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Online System Appointment upang maiwasan ang pagkukumpulan ng mga nais maghain ng kanilang aplikasyon.

Hinikayat niya ang mga nagpapa-Appoint na tiyakin na makapunta sa kanilang mga Scheduled Appointment upang hindi masayang ang kanilang slot lalo na at marami ang nagnanais na makakuha nito ngunit limitado lamang ang kanilang ipinagkakaloob.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Nerissa Canguilan ng CSC Region 2.