
CAUAYAN CITY – Natanggap na ng ilang Senior Citizen dito sa lunsod ng Cauayan ang kanilang monthly pension.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni OSCA Head Edgardo Atienza Sr. na masayang tinanggap ng mga senior citizen ang kanilang pension.
Sinimulan nila ang pamimigay sa mga senior citizens sa mga barangay ng forest region at maayos na natapos ang labimpitong barangay.
Quarterly ang pagtanggap nang pension ng mga senior citizen kung saan limang daan ang bawat buwan kaya umaabot sa isang libo at limang daang piso sa loob ng tatlong buwan.
Mahigit isang libong Senior Citizen mula sa animnapu’t-limang barangay sa lunsod ang nabibigyan ng pension.
Tuluy-tuloy naman ang pagtanggap ng OSCA ng kanilang magiging miyembro at umabot na sa halos labindalawang libo ang bilang ng aplikasyon na kanilang natanggap.
Sa mga aplikante ay kailangang magdala ng birth certificate, isang valid ID, 1×1 picture at barangay certificate.










