
CAUAYAN CITY– Umabot na sa 50% ng kabuuang bilang ng mga nagparehistro sa Philsys ang naipamahagi na ang kanilang national ID ng Philpost sa Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Julius Emperador ng PSA Isabela, sinabi niya na sa kasalukuyan ay nasa 50% o 293,460 national ID na ang naideliver ng Philippine Postal Corporation mula ito sa mahigit isang milyong nakapag-parehistro sa PhilSys.
Muli namang nilinaw ni Provincial Director Emperador na ang dahilan sa pagkakaantala ng pamamahagi ng pamamahagi ng National ID’s ay dahil sa dumaraming nag-paparehistro sa PhilSys na kasalukuyang umaabot na sa 67 million, maliban pa sa naranasang aberya ng mga makina na ginagamit ng BSP sa paggawa ng ID’s
Sa ngayon ay sinisikap ng PSA na humingi ng tulong sa mga patern agency nito na siyang aalalay sa BSP sa printing of IDs.
Patuloy namang hinihikayat ng PSA Isabela ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa Philippine National ID na magparehistro na dahil sa ngayon ay nagtutungo na ang kanilang mga kawani sa mga barangay para magpatala.
Bukas rin ang lahat ng registration sites ng PSA Isabela sa mga bayan ng Cordon, Echague, San Mateo, Ramon Aurora, Mallig, San manuel, Quezon,Tumauini, Delfin Albano, Cabagan, San Pablo at Naguilian maging sa mga Lunsod ng Ilagan , Cauayan at Santiago.










