CAUAYAN CITY – Dinakip sa magkakahiwalay na pagsisilbi ng mandamiento de aresto ang dalawang lalaki kabilang ang isang Swedish National.
Naunang dinakip ng mga kasapi ng Bambang Police Station ang akusado na si John Michael Flores, tatlumpu’t dalawang taong gulang, isang driver at residente ng Macate Bambang Nueva Vizcaya.
Tatlumpong libong piso ang inilaang piyansa ni Hukom Marjorie Maranan-Dempsey ng Branch 1 Third Judicial Region, San Jose City, Nueva Ecija sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Physical Injury na kinakaharap ni Flores.
Dinala sa BamBang Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.
Samantala, dinakip ng mga otoridad ang Swedish National na si Per Erick Jimmie Lundin, dalawamput siyam na taong, construction worker at residente ng Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Sa pangunguna ng tracker team ng Dupax Del Norte Police Station, Bayombong Police Station at 2nd NVPMFC ay naaresto ang akusado sa bisa ng mandamiyento de aresto na ipinalabas ni Hukom Leslie Costales ng MTC Bayombong, Nueva Vizcaya sa kasong Unjust Vexation.
Dalawampong libong piso ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng Swedish National na nasapangangalaga na ng Bayombong Police Station at nakatakdang ipasakamay sa court of origin.