
CAUAYAN CITY – Malaking bentahe para sa Philippine Navy ang pagsali sa Rim of the Pacific (RIMPAC).
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Chester Cabalza, Security and Military Diplomacy Expert, sinabi niya na magandang senyales para sa bansa ang pakikilahok ng Philippine Navy sa Rim of the Pacific.
Ito ay dahil nasa kasalukuyang proseso ang Pilipinas sa pagpapalakas ng Naval Force.
Makakatulong ito para mai-show case ang durability at strategy ng Hukbong Pandagat ng Pilipinas.
Maganda ring masaksihan ng Pilipinas ang kakayahan ng iba’t ibang bansa upang matukoy kung sino ang malalakas na magagamit sakaling magkaroon ng Maritime conflict sa hinaharap lalo na at nagpapatuloy pa rin ang hidwaan ng China at Estados Unidos.
Matatandaan na nabanggit ni President Bongbong Marcos ang pagpapalakas sa Armed Forces of The Philippines na mangunguna sa pagprotekta sa soberenya ng bansa pangunahin na sa West Philippine Sea.
Aniya, dahil sa kagustuhang mapalakas ang AFP ay asahan na magiging agresibo ang China sa pag-angkin sa West Philippine Sea.
Malaking bentahe rin ito upang maipakitang may mga kaalyado ang bansa tulad ng US, Japan at Indonesia.










