
CAUAYAN CITY– Puno ng lungkot ang mga Japanese maging ng mga dayuhan sa naturang bansa dahil sa pagkamatay ni dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe matapos barilin sa kasagsagan ng kanyang pangangampanya sa Nara.
Ito ay matapos dumating na ang labi sa kanyang tahanan sa Tokyo, Japan.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Arnel Punzalan ng Japan na ang labi ni Dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe ay iniuwi ng kanyang maybahay na si Akie Abe sa kanilang tahanan sa Tokyo sakay ng Karo.
Si Dating Prime Minister Abe ang nag-author sa ABENOMICS na naging instrumento sa muling pag-angat ng ekonomiya ng Japan.
Samantala, magpapatawag na rin ng cabinet meeting si Japanese Prime Minister Fumio Kishida upang pag-usapan kung ano ang magiging hakbang ng pamahalaan kaugnay sa pagpatay sa kanilang dating Punong Ministro.
Nauna rito ang pinaghihinalaan ay nagsabing may galit sa kanilang dating Punong Ministro at lalong nadagdagan ang galit nito nang maghinalang may kaugnayan sa isang organisasyon na kanyang kagalit si Abe.










