--Ads--

CAUAYAN CITY – Idineklara na ang State of Calamity sa Banaue, Ifugao kasunod ng nangyaring landslide at baha.

Kaugnay nito ay nagpapatuloy ang joint clearing operations ng mga national agencies tulad ng PNP, AFP, BFP at mga ahensiya ng local government unit sa mga lugar na apektado.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor  Joel Bungallon ng Banaue, Ifugao na maari nang daanan ng mga sasakyan ang mga lugar kung saan nagkaroon ng landslide simula noong biyernes.

Batay sa talaan ng kanilang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) umabot sa 438 families ang naapektuhan habang may 431 houses ang partially damage at dalawang bahay ang totally damage.

--Ads--

Wala namang nasawi sa naturang landslide pero may tatlong injured.

Ilang residente na rin na partially damage ang tinamo ng kanilang bahay ang nakabalik na sa kanilang tahanan habang ang mga totally damage ang bahay ay nasa pangangalaga ng kanilang mga kamag-anak.

Ang ilang partially damage na bahay ay kailangan pang masuri bago sila pabalikin sa kanilang tahanan.

Nagsasagawa na ang DPWH, AFP, BFP at mga responders ng MDRRMC ng declogging o paglilinis sa mga canals at mga imburnal upang hindi na bumaha kapag nagkaroon ng mga pag-ulan.

Sa mga susunod na araw ay aalamin naman nila ang halaga ng mga nasirang panamin.

May nasira namang hanging bridge na nagdudugtong sa isang paaralan at Barangay.