--Ads--

CAUAYAN CITY – Hiniling ni Mayor Bernardo Garcia Jr. sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) na magkaroon ng occular inspection sa kanilang Quarry Area.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ng Punong Bayan na kailangang magkaroon ng occular inspection ang MGB sa mismong quarry sites sa kanilang lugar dahil sa pagpuna ng ilang mamamayan sa dami na ng butas sa ilog.

Sobra aniyang mapanganib sa mga namamasyal lalo na sa mga maliligo dahil maaaring magsanhi ng pagkakalunod kapag napunta sa mga butas na may malalim na bahagi ng ilog.

Una nang naiulat na hinihiling ng mga nagtutungo sa ilog na magkaroon ng inspection sa mga quarry sites para sa kaligtasan ng mga nagtutungo sa ilog.

--Ads--