--Ads--

CAUAYAN CITY– Umaasa ang Federation of Free Farmers na matatalakay sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga inaasahan ng mga mamamayan pangunahin na ng mga magsasaka.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay G. Leonardo Montemayor, Chairman of the Board ng Federation of Free Farmers, umaasa sila na bigyan pa ng detalye ng pangulo ang pagbibigay niya ng top priority sa sektor ng agrikultura at pangingisda pangunahin na ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda.

Isa rin sa inaasahan nila ang iba pang detalye sa pangako ng pangulo na pagpapabuti sa suplay ng pagkain sa bansa sa pamamagitan ng sariling produksyon ng bansa.

Aniya habang maaga pa ay magkaroon na ng subsidy ang pamahalaan para sa abono na magagamit sa pagtatanim ng mga magsasaka upang mapaganda ang kanilang ani sa harvesting season sa buwan ng oktubre at nobyembre.

--Ads--

Umaasa rin siya na matatalakay ng pangulo ang gastusin sa gasolina at diesel ng mga magsasaka upang hindi bumaba ang produksyon ng pagkain.

Kailangan ding makapagformulate na ang pamahalaan ng sapat na pondo para sa agriculture sector kung nais ng pangulo na matupad ang kanyang naipangako na magandang presyo ng pagkain.

Aniya kung titingnan ay napakataas ng presyo ng abono at iba pang kailangan sa pagtatanim kumpara sa presyo ng palay kaya kailangan itong pagtuunan ng pansin ng pangulo.

Dapat ding masugpo ng mga kumakalat na pekeng fertilizer at pestisidyo na nadiskubre ng FPA.

Ang pahayag ni G. Leonardo Montemayor