--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagsasagawa ng inspeksiyon at pagsusuri si naging epekto ng magnitude 7 na lindol sa Magat Dam ang grupo ni NIA Administrator Benny Atiporda .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Carlo Ablan, Acting Division Manager ng Dam and Reservior ng NIA MARIIS na pangunahing layunin ng pagdalaw ni NIA Administrator Benny Antiporda ay para magsagawa ng inspeksiyon at pagsusuri sa magat dam matapos ang magnitude 7 na yumanig sa Luzon.

Ayon kay Engineer Ablan na layunin na rin ng pagdalaw ng NIA Administrator na magsagawa ng inspection sa mga pasilidad ng NIA sa rehiyon dos na maaring naapektuhan ng malakas na lindol.

Lumabas sa paunang pagsusuri na nasa normal na operasyon pa rin ang Magat dam at walang dapat ikabahala.

--Ads--

Ngunit nilinaw ni Engineer Ablan na patuloy pa rin silang magsasagawa ng pagsisiyasat upang alamin ang naging epekto ng malakas na lindol sa Magat Dam

Minabuti ng NIA Administrator na suriing mabuti ang magat dam dahil halos apatnapong taon na ang naturang dam at para alamin kung ano ang naging epekto ng naganap na malakas na lindol noong nakaraang Miyerkoles na mas malakas kaysa sa naganap na lindol noong 1990.

Isasagawa ang pagsusuri sa pasilidad ng magat dam hanggang bukas, araw ng Miyerkoles.

Ang pahayag ni Eng’r. Carlo Ablan