--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaasa ang bagong Division Commander ng 5th Infantry Division Philippine Army na dadami pa ang mga kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang susuko sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga proyekto at programa para sa mga rebelde na magbabalik loob sa pamahalaan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, tiniyak ni Brig. Gen. Audrey Pasia, bagong Division Commander ng 5th ID na  ipagpapatuloy niya ang mga nasimulan ng nagretirong  si  Major Gen. Laurence Mina pangunahin na ang pagtugis sa mga nalalabing rebelde sa mga lugar na nasasakupan ng 5th ID.

Aniya, mahalaga ang tulong ng mamamayan, lokal na pamahalaan at mga mamamahayag upang maipaabot ang mga proyekto at programa ng pamahalaan sa mga rebeldeng nagbabalik loob sa pamahalaan.

Aniya, nahihirapan na rin ang mga pinuno ng rebeldeng pangkat dahil sa mas pinaigting na pagtugis sa kanila ng mga otoridad.

--Ads--

Umaasa si BGen. Pasia na matutuldukan na ang terorismo sa kanilang nasasakupan at sa buong bansa kasabay ng paghihimok sa mga rebelde na sumuko na at makiisa sa pamahalaan.

Tinig ni Brig. Gen. Audrey Pasia.