--Ads--

CAUAYAN CITY – Hindi pa rin sumusuko ang driver ng kotseng nakabangga patay sa isang limampung taong gulang na lalake sa Provincial Road na bahagi ng barangay Pangal Norte, Echague, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Rogelio Natividad, Hepe ng Echague Police Station sinabi niya na ikinalulungkot nila na ilang araw na ang nakalipas ay hindi pa rin sumusuko ang tsuper na nakapatay sa biktimang si Jerry Tomas na residente rin ng naturang barangay.

Sa ngayon ay patuloy na pinoproseso ang nakuha nilang CCTV footage upang ma-enchanced at matukoy ang tsuper ng itim na toyota Vios na nakabangga sa biktima.

Matatandaang binawian ng buhay ang biktima matapos na mabangga ng isang itim na toyota vios na nangaling sa Jones, Isabela.

--Ads--

Papatawid ang biktima sa junction ng mabangga siya ng suspek at tinakbuhan.

Patuloy na nanawagan ang pulisya sa sino mang nakakakilala o may nalalaman sa naturang insidente upang mapasuko ang driver ng kotse.