--Ads--

CAUAYAN CITY – Naayos na ang iringan sa pagitan ng mga barangay kagawad ng Baranggay District III matapos dumalo na sa regular session ang dalawang Barangay Kagawad na inerereklamo ng kapwa nila kagawad.

Matatandaan na nag-ugat ang gusot sa pagitan ng mga opisyal ng baranggay ng District 3  dahil sa hindi umano pagdalo sa mga regular session ng mga dalawang Barangay Kagawad subalit tumatanggap pa rin ng buwanang Honoraria.

Sinabi ni Punong Barangay Melchor Meris na kompleto sila sa nakaraang sesyon ng barangay at umaasang maging mas maayos na ang kalakaran sa kanilang barangay dahil kumpleto na ang mga ito.

Naging maayos ang pakikitungo ng bawat  opisyal ng barangay sa isa’t-isa sa nakaraan nilang sesyon at nagpapasalamat sila sa Bombo Radyo Cauayan dahil malaking tulong upang magising ang mga opisyal ng barangay na hindi nagtatrabaho.

--Ads--

Gaganapin ang State of the Barangay Address ni Punong Baranggay Melchor Meris sa susunod na mga araw na dadaluhan ng mga opisyal ng barangay at mamamayan ng Barangay District III.