--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa walumpu’t isang pares ang lumahok sa kasalang bayan o mass wedding na ginanap sa nasabing bayan.

Ang pinakamatandang ikinasal ay animnaput limang taong gulang, habang ang pinakabata ay labing walong taong gulang.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginang Mary, animnaput limang taong gulang, residente ng Malitao, Echague, Isabela na biyuda na matapos ang dalawamput apat na taong pagsasama nila ni Ginoong Alfonso na isa ring biyudo na mayroong isang anak ay nagpasya silang magpakasal para sa kapakanan ng kanilang nag-iisang anak.

Ayon naman sa pinakabatang nagpakasal, maaga siyang pumasok sa pakikipag-relasyon at ngayon na tumuntong na siya sa tamang edad ay napagpasyahan na nilang magpakasal ng kanyang kinakasama.

--Ads--