CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang binatilyo matapos na malunod sa ilog na nasasakupan ng Mabuhay, Angadanan, Isabela.
Ang nasawi ay 16-anyos na Grade 9 student at residente rin ng naturang lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan dakong 11:50 ng umaga nang nakatanggap ng tawag ang Angadanan Police Station mula kay Barangay Kapitan Maria Carabbacan kaugnay sa insidente ng pagkalunod sa kanilang nasasakupan.
Agad na tumugon ang mga kasapi ng Angadanan Police Station katuwang ang 205th Maneuver Company, BFP Angadanan, Rescue 115 at mga opisyal ng barangay upang magsagawa ng retrieval operation.
Ayon sa mga kasama ng biktima nagtungo sila sa ilog Cagayan para maligo at bigla umanong tumalon sa tubig ang biktima at napunta sa malalim na bahagi ng ilog.
Hindi na nila nakitang umahon sa tubig ang biktima at 12:30 na ng tanghali nang maretrieve ng rescue team ang katawan nito.
Nagawa pang marevive ang biktima at nadala pa sa pinakamalapit na pagamutan subalit binawian dn ng buhay.










