--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinagsa ng maraming deboto ang pista ng Our Lady of Visitation sa Barangay Guibang, Gamu, Isabela.

Mahigpit na daloy ng trapiko ang naranasan mula madaling araw ng Linggo dahil sa pagsisismula ng misa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpl Glen Paul Liban ng GAMU POLICE STATION, at isa sa mga namamahala sa pagsasaayos ng dalos ng trapiko, sinabi niya na upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko ay tanging ang diversion road na lamang ang ginagamit ng mga motorista na patungong northbound at south bound.

Bagamat, nakaranas ng mabigat na daloy ng trapiko ay hindi naman nagpatinag ang maraming deboto sa pagtungo sa kapistahan ng Our Lady of Visitation.

--Ads--

Ayon kay Ginang Judith Godoy ng Angadanan Isabela, simula bata ay nakagawian na niyang makibahagi sa pagdiriwang ng Our Lady of Visitation sa Guibang.

Ang mga magulang niya ang nagmulat sa kanya noon na makibahagi sa naturang pagdiriwang.

Pangunahing hiling niya ay magkaroon ng maayos na pamumuhay.