--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa ang nasugatan sa banggaan ng kolong-kolong at modernized jeepney sa Nappacu Pequeño, Reina Mercedes, Isabela.

Ang mga nasugatan ay ang driver ng kolong-kolong na si Angelo Daguiwa-as, 21-anyos at ang kapatid nito na si John Mark Daguiwa-as na kapwa residente ng District 2, Cauayan City habang ang tsuper ng modernized jeep ay si Rommuel Damasco, 25-anyos at residente ng Osmena, City of Ilagan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Damasco, sinabi niyang mabilis at pagewang-gewang ang takbo ng kolong-kolong.

Aniya nag-menor pa siya subalit hindi na siya nakaiwas nang salpukin sila ng kolong-kolong.

--Ads--

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang magkapatid at kasalukuyan silang inoobserbahan sa isang pribadong pagamutan sa Cauayan City.

Hindi naman siya nagtamo ng ano mang sugat maging ang kanyang 25 pasahero.

Samantala nagkasundo naman ang dalawang panig at wala ng magsasampa ng kaso.

Tinig ni Rommuel Damasco.