--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng preliminary monitoring ang Department of Trade and Industry o DTI Isabela upang mapanatiling matatag ang presyo ng mga bilihin.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OIC Provincial Director Elmer Agorto ng DTI Isabela sinabi niya na kailangang mayroon silang database upang mapanatiling affordable ang mga bilihin at tama ang suplay.

Ang ginagawa ng DTI Isabela ay nakikipag ugnayan sa mga malalaking establisimiento, grocery stores at mga supermarket upang maiwasan ang hoarding ng mga produkto lalo na tuwing may mga kalamidad tulad ng bagyo.

Dahil sa kakulangan ng manpower at dahil sa lawak na rin ng Isabela ay hinihiling nila ang tulong ng local government units o LGUs.

--Ads--

May junior business councilors na ngayon ang ibat ibang negosyo centers bagamat hindi pa kumpleto ang buong munisipalidad ng Isabela kaya prayoridad ang mga malalawak ang sakop.

Aniya ang consumer protection division ng DTI ay hindi lamang nakatuon sa mga basic o prime necessities kundi maging sa mga raw materials tulad ng mga produktong isda.

Sa kanilang monitoring ay napanatili naman ang ipinatupad na suggested retail price o SRP noong buwan ng Pebrero.

Ang tanging nagbabago lamang ang presyo ay ang mga retailers o mga hindi kumukuha ng suplay sa mismong distributor.

Ang baseline data ng DTI ay sa mga regular outlet lamang at sa mga lugar na malalayo na ay hindi na maiiwasan ang pagtaas ng presyo ng kanilang paninda dahil sa pagtransport ng produkto.