--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ang isang babae matapos maaktuhang nagpupuslit ng mga beauty products sa supermarket ng isang malaking mall sa Brgy. Mabini, Santiago City.

Ang suspek ay tatlumput walong taong gulang na babae, walang asawa at residente ng lungsod ng Baguio.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan miyembro ang babae ng notoryus na Salisi Gang.

Sinubukan umano ng pinaghihinalaan na itakas ang isang bundle ng face tissue, facial scrub, toner, cream, deodorant at iba pang beauty products na may kabuuang halaga na 9,870 pesos.

--Ads--

Nahuli ang babae matapos siyang mamonitor ng CCTV Operator sa lugar at sundan ang kanyang mga galaw at nang makitang itinatago nito ang mga kinukuhang gamit sa supermarket ay dito na ipinabatid sa mga security guard ng mall.

Nakatunog naman ang suspek atapos  marinig ang usapan ng mga guwardiya  sa kanilang radio at sinubukan niyang tumakbo ngunit nahuli.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nahuli na  noon ang babae sa kasong shoplifting at nakalaya  matapos makapag-piyansa.

Nakapiit na ang babae sa Santiago City Police Office Station Four.

Dinakip ang isang babae matapos maaktuhang nagpupuslit ng mga beauty products sa supermarket ng isang malaking mall sa Brgy. Mabini.

Ang suspek ay  tatlumput walong taong gulang, walang asawa at residente ng lungsod ng Baguio.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan miyembro ang babae ng notoryus na Salisi Gang.

Sinubukan umano ng pinaghihinalaan na itakas ang isang bundle ng face tissue, facial scrub, toner, cream, deodorant at iba pang beauty products na may kabuuang halaga na 9,870 pesos.

Nahuli ang babae matapos siyang mamonitor ng CCTV Operator sa lugar at sundan ang kanyang mga galaw at nang makitang itinatago nito ang mga kinukuhang gamit sa supermarket ay dito na ipinabatid sa mga security guard ng mall.

Nakatunog naman ang suspek matapos marinig ang usapan ng mga guwardiya  sa kanilang radio at sinubukan niyang tumakbo ngunit nahuli rin.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na nahuli na noon ang babae sa kasong shoplifting at nakalaya matapos makapag-piyansa.

Nakapiit na ang babae sa Santiago City Police Office Station Four.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung may iba pang kasamahan ang babae.