
CAUAYAN CITY – Naninindigan ang grupong Pagkakaisa ng Samahan mga Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON na karapatan ng mga driver at operator ang humiling ng dagdag na singil sa pamasahe sa kabila ng nararanasang pagtaas sa presyo ng mga bilihin partikular ang petrolyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PISTON Chairman Mody Floranda sinabi niya na malaki na ang nawawalang kita ng mga driver at operator dahil sa sunod sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo na nagreresulta sa malaking kawalan ng kita na dapat ay nakalaan para sa pangangailangan ng knai knailang pamilya.
Aniya malaking dagok ngayon sa sektor ng transportasyon kung sakaling maibasura ang hirit nilang pisong dagdag sa pamasahe lalo at nagbabadya narin ngayon ang dagdag presyo sa mga pangunahind bilihin gaya ng bigas.
Ayon sa kaniya habang pinagdedebatihan pa ang suspensyon ng Oil Deregulation law ay maaaring magpasa ng kautusan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na magsususpinde naman tuloy tuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo upang mabigyan ng pagkakataon ang mga tsuper na makahabol sa kita.
Patuloy ang panawagan nila na kalampagin ang mga ahensya ng pamahalaan upang maisakatuparan na ang knailang kahilingan na suspendihin o ibasura na ang oil deregulation law at TRAIN law.










