--Ads--

CAUAYAN CITY – Maglulunsad ng pagpupulong ang Union of TODA kasama ang FESADECO upang talakayin ang planong umento sa singil sa pamasahe o 20 pesos na minimum fare sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Roland Lanuza ang Vice Chair ng Union of TODA sinabi niya na pinag-aaralan na nila ngayon ang humiling ng dagdag singil sa pasahe dahil kulang na kulang na ang kanilang kinikita dahil sa patuloy na taas presyo ng mga produktong petrolyo.

Aniya nakatakda niyang kunin ang listahan ng mga presidente ng ibat ibang TODA na nais magpetisyon sa karagdagang singil sa pasahe mula 15 pesos hanggang 20 pesos.

Ayon sa kaniya pianghahawaran nila ang pahayag ng isang Sanguninag Panlunsod Member na kung lalagpas sa 53 pesos hanggang 62 pesos ang gasolina na walang rollback sa loob ng apat hanggang limang linggo ay maaari na silang maghain ng board resolution na humihiling ng dagdag singil sa pasahe.

--Ads--

Tiniyak ni Ginoong Lanuza na ang bawat hakbang ng Union of TODA ay isasanguni sa bawat TODA member dahil sa nagyon ay umaabot na sa tatlumpung TODA president ang pumirma sa petisyon lalo at hindi lamang iilan ang TODA na nagpapasada sa Lungsod.

Dagdag pa niya na kahit anong pilit nilang humanap ng mga gasolinahan na nagbebenta ng mas mababang presyo ng gasolina ay wala na rin talagang mura sa panahon ngayon dahil halos lahat ay nagtataas na rin ng presyo.