--Ads--

CAUAYAN CITY – Ipinaliwanag ng isang senador ang kahalagahan ng Organic Agriculture at Urban Gardening sa ginanap na 6th Regional Organic Agriculture congress ng Kagawaran ng Pagsasaka o DA region 2.

Sa kaniyang talumpati, ibinahagi ni Senator Villar ang iba’t ibang proyekto ngayon ng Kagawaran ng Pagsasaka at ibang mga intervetion sa isinusulong niyang Urban Gardening.

Sa katunayan ay isinusulong niya ang Composting facilities sa iba’t ibang lokasyon sa buong bansa.

Ang isang composting facility ay nakakapag-produce ng isang toneladang composed fertilizers na kanilang ipinamamahagi sa bawat magsasaka at nagtatanim ng gulay na interesado sa urban gardening.

--Ads--

Maliban sa compost ay namamahagi rin ang senadora ng vegetable seedlings para makapanghikayat ng urban at backyard gardening.

Matatandaan na isa si Senator Villar sa nagpasa ng Republic Act 11511 na nag aamiyenda sa National Organic Agriculture Act.

Layunin niyang mapalakas ang organic agriculture sa buong bansa na tumutulong at gumagabay sa maliliit na magsasaka at kooperatiba.

Sa pamamagitan ng Organic Agriculture ay makakatulong ng malaki para sa lupang sakahin at kalusugan ng mga magsasaka at konsumer.

Makakapag pababa rin sa production cost ng magsasaka ang paggamit ng organikong produkto dahil mas mura ito kumpara sa mga comercial fertilizers.