CAUAYAN CITY – Nasawi ang lalaki sa banggaan ng isang motorsiklo at van sa pambansang lansangan na bahagi ng Sta Maria, Alicia, Isabela.
Hindi pa matukoy sa ngayon ang pagkakakilanlan ng biktima habang ang tsuper ng sangkot na van ay kinilalang si Nemecio Ignacio.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng motorsiklo ang pambansang lansangan na bahagi ng Sta Maria, Alicia Isabela patungo sa town proper habang patungo naman sa Echague, Isabela ang van.
Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nagsalpukan ang motorsiklo at van dahilan upang magtamo ng malubhang sugat ang tsuper ng motorsiklo.
Dinala siya sa pagamutan ng mga rumesponmdeng rescuers ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Ang mga sangkot na sasakyan ay dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at kaukulang disposiyon.