--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang ginang matapos siyang barilin sa ulo ng mismo niyang kamag-anak sa Diffun, Quirino.

Ang biktima ay kinilala sa pangalang Mercy, 53-anyos, may asawa habang ang pinaghihinalaan ay si Marvin, 36-anyos, magsasaka at kapwa residente ng nabanggit na lugar.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan sa Diffun Police Station, nasa kusina ng kanilang bahay ang biktima kasama ang kanyang anak at asawa nang biglang dumating ang suspek at binaril ang biktima sa kanyang ulo at agad na tumakas.

Sinubukan pang itakbo sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

--Ads--

Ayon sa Diffun Police Station, ang nakikita nilang dahilan ng suspek ay ang kasong isinampa sa kanya ng biktima matapos na magsumbong ang stepdaughter ng suspek na ginahasa siya nito.

Nakiusap umano ang suspek sa biktima na iatras ang kaso na isinampa laban sa kanya subalit tumanggi ang biktima.

Nahuli naman ang pinaghihinalaan matapos ang pangyayari at nakuha rin ang ginamit nitong baril na isang improvised cal. 22.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Diffun Police Station ang suspek at mahaharap sa kasong murder.