CAUAYAN CITY – Malaking tulong ang mga nararanasang pag-ulan ngayon para tumaas ang antas ng Tubig sa Magat Dam bilang paghahanda sa nagbabadyang El Niño o tagtuyot.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy ang Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na bahagya nang nadadagdagan ang antas ng tubig sa dam kaya naman tiwala sila na makakaya na nilang mapatubigan ang siyam na libong ektarya ng sakahan ngayong dry cropping season.
Umaasa sila na mas madadagdagan pa ang tubig na papasok sa dam para masigurong mapatubigan ang mga sakahan sa wet cropping season at mapaghandaan na ang naitakdang cut off sa ikalabing siyam o ikadalawampu ng Marso.
Paalala ng NIA-MARIIS sa mga magsasaka na tuloy-tuloy ang convergence o pakikipag ugnayan nila para masigurong makarating sa mga magsasaka ang ibinibigay na tulong ng pamahalan gaya ng binhi at pataba.
Isang paraan aniya ito para bigyang pansin ang mga tinagurinag back bone ng agrikultura na mga magsasaka na siyang responsable para sa food production ng bansa.











