CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang babae na buntis matapos magpositibo sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Calao East, Santiago City.
Ang pinaghihinalaan ay 20-anyos, service crew at residente ng nabanggit na lugar.
Nabili sa kanya ng pulis na nagpanggap na buyer ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000.
Hindi naman naging madali ang operasyon dahil bukod sa 38 weeks na buntis ang babae ay naging pahirapan din ang pagsama niya sa pulisya.
Umabot ng halos tatlong oras ang negosasyon bago siya tuluyang nakumbinsi.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Santiago City Police Office Station One ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002).