--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang lalaki matapos siyang barilin habang natutulog sa kanyang bahay sa Annafunan, Echague, Isabela.

Ang biktima ay si Joey Quiseng, 48-anyos, may-asawa, tricycle driver at residente ng nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Echague Police Station, habang natutulog ang biktima sa kanyang kuwarto dakong alas-2 ng madaling araw ay bigla na lamang siyang pinaputukan ng gunman mula sa nakabukas na bintana ng kanyang kuwarto.

Tinamaan ang biktima sa kanyang ulo ng isang bala ng caliber 9mm pistol.

--Ads--

Agad namang tumakas ang gunman habang isinugod sa pagamutan ang biktima at patuloy pa rin siyang inoobserbahan.