--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang dating opisyal ng Philippine Marine Corps at isang medal of valor awardee na palakasin ang kapasidad ng mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea para maipakita sa ibang bansa tulad ng China na may kakayahan ang Pilipinas na maipagtanggol ang sovereign rights nito.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ret.Col. Ariel Querubin na kung ikukumpara sa mga malalaking barko ng China sa West Philippine Sea ay napag-iwanan ang capability ng Coast Guard, Navy at Air Force ng Pilipinas.

Aniya, kung ma-improve ang capability ng mga kagamitan na nasa West Philippine Sea ay maipapakita ng Pilipinas na kaya nitong maipagtanggol ang sovereign rights nito.

Giit niya na hindi naman kailangan na may giyera para lang maipagtanggol ang sovereign rights ng bansa kundi pagpapakita lang ito ng paninindigan.

--Ads--

Panawagan niya ngayon sa lahat lalo na sa mga sundalong nasa West Philippine Sea na huwag patitinag at ituloy lang ang paninindigan sa ginagawa ng China dahil kung hahayaan lang sila sa ginagawa nilang pambubully ay lagi lang nila itong gagawin.