--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy pa rin ang baha sa UAE sa kabila ng ilang araw nang pagtila ng ulan.

Sinabi ni Bombo International News Correspondent Analiza Flores Cairel na sa Sharjah City kung saan siya nakatira ay hindi pa humuhupa ang baha.

Pahirapan din ang transportasyon dahil wala pang sasakyan matapos malubog sa baha ang lahat ng mga sasakyan.

Para makapasok sa kanilang trabaho ay kailangan nilang maglakad ng halos isang oras.

--Ads--

Sa ngayon ay mainit na ang panahon at wala na silang nararanasan na pag-ulan.

Ayon sa kanya, nagsimula ang ulan noong umaga ng ikalabing anim ng Abril at hindi naman ganoon kalakas ang ulan pero rumagasa ang baha at umabot ng lagpas baywang ang baha sa ilang lugar.

Aniya, matagal humupa ang baha dahil hindi gaya sa Pilipinas na may drainage canal gayunman ay ginagawan na ng mga awtoridad ng paraan para masipsip ang baha.

Dahil naman sa pagkasawi ng tatlong Pinoy sa UAE ay pinapayuhan sila ng konsulada ng Pilipinas na mag-ingat.