--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang pedestrian matapos na mabiktima ng hit and run sa Brgy. Magsaysay, Bayombong Nueva Vizcaya.

Kinilala ang biktima na si Richard Aguinaldo, limamput apat na taong gulang, may asawa, self-employed at pansamantalang naninirahan sa Purok 1, Brgy. Magsaysay Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCpt. Ar-Jay Nabban, Deputy Chief of Police ng Bayombong Police Station sinabi niya na batay sa kanilang pagsisiyasat gabi ng ikatatlumpo ng Abril, kasalukuyang tumatawid sa kalsada ang biktima nang mabangga ng isang tricycle na agad tumakas patungo sa Bayombong Town proper matapos ang insidente.

Nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang biktima na agad namang nadala sa pagamutan ng mga rumespondeng kasapi ng MDRRMO rescue team.

--Ads--

Hanggang sa ngayon ay nasa isolation pa rin ang biktima dahil sa tinamong fracture sa kanyang dalawang paa.

Nagpapatuloy naman ang pagsuyod ng pulisya sa mga CCTV Cameras na maaring nakahagip sa pagkakakilanlan ng tsuper ng tricycle.

Nanawagan naman si PCpt. Nabban sa tsuper ng nakabanggang tricycle na sumuko na lamang sa pulisya upang panagutan ang kanyang nagawang kasalanan at upang matulungan din ang biktima na kasalukuyang nasa ospital.