--Ads--

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang street level individual matapos ang matagumpay na anti-illegal drug buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office sa pangunguna ng Cabatuan Police Station at sa koordinasyon ng PDEA RO2 ay naaresto si Alyas “Mitch”.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu, isa pang piraso ng nakaselyong pakete ng hinihinalang shabu,  tatlong piraso ng  genuine 500 pesos, boodle money na  isang libong piso,  buy bust money na limang daang piso at iba pang mga non-drug item.

Dinala sa himpilan ng pulisya ng suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

--Ads--