--Ads--

CAUAYAN CITY – Bubusisihin at pagtutuunan ng pansin  ng kamara ang sektor ng agrikultura pangunahin na ang produksyon ng bigas sa 2025 proposed budget ng Pilipinas ayon sa isang mambabatas.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senator Imee Marcos, sinabi niya na ang budget ng Pilipinas sa taong 2025 na P6.35 trillion ay dapat na ilaan sa mga nangangailangan ng pondo tulad ng sektor ng agrikultura.

Aniya, ang mga magsasaka ang labis na apektado sa panahon ng El Niño at La Niña dahilan kung bakit ang mga produktong pang agrikultura tulad ng bigas ay nagtataas din ang presyo sa merkado.

Sa panahon ngayon ay mas mahalaga na umano ang bigas kaysa pera.

--Ads--

Tututukan aniya nila ang pagtulong sa mga magsasaka upang hindi na kinakailangang mag-import ng bigas sa ibang bansa.

Mayroon din aniyang National Rice Program at RCEF ang Pilipinas dahilan kung bakit labis labis ang pondong nakalaan sa bigas ngunit pinagtataka umano ng Senador kung bakit sa laki ng pondo ay nananatili paring kapos ang suplay.